"Naranasan mo na bang ma-fall?" Natigilan siya nang marinig iyon sa del Riong kaharap. Para sa isang babae na walang facial expression at halos 17 years na nasa loob lang ng bahay, kakaiba ang pakiramdam na ipinapakilala sa kanya ng lalaking ito. Sa buong buhay niya, hindi niya akalain na may taong sasagad sa pasensya niya. "As if that will help, A." Nanatili lang ang kaniyang tingin sa lalaki. Dahil mas matangkad ito, nagawa pa nitong yumuko upang pumantay sa kanya. Gusto lang naman niyang ipabatid sa best friend na si Pio ang kanyang nararamdaman dito. At para magawa iyon, dapat ay magkaroon siya ng expression. Kakailanganin niya ng isang tao na tutulong magtrigger sa kanyang mga emosyon. Isang tao na sasagad sa pasensya niya----na maaaring nasa harap na niya ngayon. Ipinagpag niya ang kung anong naiisip. Fall? Hindi pa ba fall ang tawag sa nararamdaman niya kay Pio? "Try me then Four." mahinang saad nito na halos nagpakilala ng sari-saring pakiramdam sa kanya.